Thursday, May 17, 2012

Isang Hiling

Minsan na akong nakakita ng isang matandang naglalako ng paninda sa kalsada.Naitanong ko sa aking sarili,"Asan na ang mga anak nito?"Naawa naman ako at aking tinulungan ang matanda sa kanyang dalang bayong. Payat, malabo na ang mga mata, gusgusin, mahina na ang mga paa sa paglalakad at pati na rin ang kanyang mga tainga."Ineng,bibili ka ba ng aking tinda?"ang tanong niya sa akin.Binigyan ko siya ng maiinom at kaunting pera para sa kanyang paninda,Di ko makuhang kunin ang mangga sa kanyang bayong,Sinabi ko na lang na ibenta na lang niya sa iba at ako na ang magbabayad ng lahat ng kanyang tindang mangga.Kinurot ang aking puso ng makita ko siyang ngumiti at nagpasalamat."Ineng,dati rati'y kaya kong dalhin ang isang bayong na puno ng aking tinda ngunit ngayon ay mahina na ako.". Tinanong ko kung asan ang kanyang asawa at mga anak at napagalaman ko na iniwan siya ng kanyang asawa at  namatay na ang kanyang isang anak na lalaki at ang anak niyang babae ay pinabayaan na siya.Di ako makatulog ng gabing iyon, nais kong tulungan si Nanay Tasing. Kada maaririnig ko ang sigaw niya habang nagtitinda sa rindi ng init  ng araw ay nanliliit ako sa sarili ko. Masarap na buhay ang mayroon ako samantalang siya ay kahit matanda na ay sige pa rin sa pagtitinda dala ang bayong niya.Binibili ko pa rin ang mga tinda niya para lamang umuwi na siya. Alam ko, darating din ang araw na ako rin ay tatanda na katulad niya. Sana lamang ay may magalaga sa akin tulad ng ginagawa kong pag aalaga sa aking magulang. Dasal lamang ang maibibigay kong tulong sa kanya bukod sa materyal na bagay na kailangan niya. Kung makikita niyo si Nanay Tasing isa lamang ang aking hihilingin sa inyo na sana rin ay matulungan ninyo siya.    

No comments:

Post a Comment